Nanawagan ang budget watchdog na Social Watch Philippines (SWP) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-veto ang mga tinawag nitong “highly questionable items” sa ratipikadong 2026 national budget, na umaabot sa ₱319.04 bilyon.

Ayon sa SWP, ang mga huling minutong insertions at lump-sum appropriations ng bicameral committee ay maituturing na pagbabalik ng pork barrel system, sa kabila ng matinding galit ng publiko laban sa katiwalian at aksaya ng pondo.

Sinabi ni SWP co-convenor Dr. Ma. Victoria Raquiza na hindi people-centered ang 2026 budget at binatikos ang kakulangan umano sa transparency dahil sa mga non-transparent side meetings at last-minute adjustments na hindi dumaan sa sapat na public scrutiny.

Kabilang sa mga hinihiling i-veto ng SWP ang:

* ₱81.94B dagdag pondo sa ilang DPWH infrastructure programs na umano’y nag-o-overlap sa umiiral na proyekto

-- ADVERTISEMENT --

₱8.9B Farm-to-Market Roads ng Department of Agriculture na sinabing last-minute insertion

₱10B Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk na sinabing duplicated ang pondo

₱2.73B Tulong Dunong Program ng CHED

₱15.33B Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance para sa LGUs

₱23.048M Philippine Pavilion para sa 2026 UN Climate Conference

₱5.25B confidential funds ng iba’t ibang civilian agencies

₱138B ayuda funds na may “questionable increases”

₱56.873B LGU assistance fund na umano’y prone sa patronage politics

Hinimok din ng grupo ang Pangulo na magsumite ng supplemental budget upang ibalik sa mas mababang antas ang ayuda at LGU funds, at maglatag ng malinaw na patakaran sa ₱243.4B Unprogrammed Appropriations para matiyak ang transparency.