
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na agad na magbigay ng tulong sa pamilya ng dalawang Pilipinong seafarers na nasawi matapos atakihin ang kanilang barko sa hilagang bahagi ng Black Sea.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tiniyak ng Pangulo na maipagkakaloob sa mga naulilang pamilya ang lahat ng ayudang pinahihintulutan ng batas.
Nagbabala rin ang Palasyo na maaaring mapatawan ng parusa, kabilang ang pagbawi ng lisensya, ang mga local manning agency at foreign principal na mapapatunayang lumabag sa mga umiiral na regulasyon.
Samantala, muling paiigtingin ng Department of Migrant Workers ang high-risk advisory para sa Black Sea kasunod ng insidente.
Malugod din namang tinanggap ng Palasyo ang ulat na apat na barkong may Philippine registry ang ligtas na nakatawid sa Strait of Hormuz.










