
Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Chinese Ambassador Jing Quan sa Malacañang ngayong Martes, ayon sa Malacañang.
Gayunman, nilinaw ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na naitakda na ang naturang pulong bago pa ang insidente sa Ayungin Shoal kung saan nasugatan ang isang Pilipinong sundalo matapos umanong hampasin ng tauhan ng China Coast Guard.
Nauna nang kinondena ni Pangulong Marcos ang insidente at sinuportahan ang mga pahayag ng Department of Foreign Affairs, Department of National Defense, at Armed Forces of the Philippines.
Samantala, kapwa naghain ng kani-kanilang protesta ang Pilipinas at China kaugnay sa nangyari sa West Philippine Sea.










