May napili na umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagong hepe ng Philippine National Police (DILG), at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Subalit tumanggi muna si DILG Secretary Jonvic Remulla na pangalanan kung sino ang susunod na PNP Chief at hahayaan si Pangulong Marcos na mag-aanunsiyo.

Ayon kay Remulla, ang bagong PNP chief ay excellent, very qualified, very dynamic, at may magandang track record.

Kasabay nito, sinabi ni Remulla na bentahe kung ang susunod na PNP chief ay may mas mahabang termino upang maipagpatuloy ang vision ng police organization.