
Mahigpit na minomonitor ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ikinasakasang rally ngayong araw.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez, nasa loob ng Malakanyang si Pangulong Marcos at mino monitor ang rally ng Iglesia ni Cristo (INC).
Hindi naman nagbigay pa ng detalye si Secretary Gomez.
Sa ngayon naka-alerto ang security sector dahil sa ulat na posibleng may manabotahe sa peaceful rally ng INC.
Mahigpit din ang seguridad na ipinapatupad ng Presidential Security Command (PSC) sa loob at labas ng Malakanyang.
-- ADVERTISEMENT --
Patuloy naman nananawagan ang pamahalaan ng kahinahunan dahil may mga hakbang na para mapanagot ang mga nasa likod ng maanomalyang flood control projects.










