
Napakalinaw para kay Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando na pare-parehong sangkot sa budget insertions at maanomalyang flood control projects sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at dating Congressman Elizaldy Co.
Sabi ni San Fernando, hindi abswleto sa katiwalian si Co kahit pa sya ang nagbulgar na si PBBM mismo ang nag-utos ng P100 billion na insertions sa 2025 National Budget kung saan umano ito kumubra ng 25% o P25 billion.
Ibinungyag din ni Co na maging sa mga proyekto sa Bulacan ay nakakuha naman ng kickback na P56 billion sina President Marcos at Romualdez.
Diin ni San Fernando, lumabas din sa expose’ ni Co na nagiging posible ang korapsyon sa mga proyekto o kontratra sa gobyerno dahil sa pagtutulungan ng mga opisina o ng mga kawani at mga opisyal ng pamahalaan mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na posisyon.










