Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi siya aalis ng Malacañang nang hindi natutuldukan ang mga problema sa mga flood control project sa bansa.

Pahayag ito ng pangulo matapos ang sunod-sunod na pag-iinspeksyon sa ilang mga infrastructure projects ng gobyerno na nauwi lamang sa pagkadismaya dahil sa mababang kalidad o di kaya’y mga palpak ngaimprastrakturang dapat sana’y nagpoprotekta sa publiko.

Ayon sa pangulo, ang mga sirang proyekto ay hindi lamang nagdudulot ng peligro sa mga motorista kundi pati na rin ng malaking pagkalugi sa ekonomiya.

Kaugnay nito, ipinag-utos ng Pangulo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na ibalik ang dating standard operating procedure (SOP) kung saan kailangang aprubahan muna ng mga lokal na pamahalaan ang isang proyekto bago ito ideklarang kumpleto.

Layunin nitong masiguro ang kalidad ng mga proyekto at maiwasan ang katiwalian.

-- ADVERTISEMENT --