Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos maaresto ang isa nilang personnel sa Biliran dahil sa umano’y extortion.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Biliran, naaresto sa entrapment operation noong Hunyo 19 ang isang Seaman First Class matapos ireklamo ng mga mangingisda dahil nahuli umano itong tumatanggap ng marked money mula sa complainant.

Kasabay nito, iniutos ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang hiwalay na administrative investigation upang matukoy kung may paglabag sa kanilang internal policies, habang nakikipagtulungan sa criminal investigation.

Giit ng PCG, mahigpit nilang ipinapatupad ang polisiya laban sa korapsyon at misconduct, at pananagutin ang sinumang mapapatunayang may sala.