Nakakapagtala ng abnormalidad ang Taal volcano kung saan sa nakalipas na magdamag ay naka-monitor sila ng pagsingaw ng usok na may taas na 1,200 metro ayon sa Phivolcs.
Maituturing itong malakas na pagsingaw na kalaunan ay napadpad sa kanluran-hilagang-kanluran ng Batangas.
Nakapagrehistro naman ang Sulfur Dioxide Flux (SO2) ng 11,745 tonelada / araw.
Bukod dito, mayroon ding apat na volcanic earthquake, kabilang angtatlong volcanic tremors na tumagal ng limang minuto o higit pa.
Ayon sa Phivolcs, maaari pang dumami ang volcanic activities ng Taal, kaya kailangang maging alerto ang mga residenteng malapit sa lugar.
-- ADVERTISEMENT --