Tuguegarao City- Patuloy ang ginagawang contact tracing ng mga otoridad sa mga posibleng nakasalamuha ni Piat municipal Mayor Carmelo Villaciete matapos muling magpositibo sa covid 19.

Si Mayor Villacete ay walang travel history ngunit nakaranas muli ng sintomas tulad ng ubo at sore throat nitong Hulyo-24.

Dahil dito ay agad na sumailalim ang alkalde sa swab test nitong Hulyo 27 at nagpositibong muli sa virus batay sa lumabas na resulta ng kanyang swab test.

Matatandaang unang nagpositibo sa COVID-19 si Villacete o PH 2764 noong Abril-02 ngayong taon.