
Inihayag ni Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva na umabot sa 660 porsiyento ang paglago ng exports ng Brazil sa Southeast Asia sa nakalipas na dalawang dekada.
Muling iginiit ni Lula ang interes ng Brazil na maging full dialogue partner ng ASEAN upang mapalawak ang kooperasyon sa kalakalan, high technology, food security at bioenergy.
Sa kanyang pagbisita sa Pilipinas, nakipagpulong din siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa mga lider ng Singapore at Canada upang talakayin ang pagpapalawak ng kalakalan at pamumuhunan, gayundin ang iba pang larangan ng kooperasyon.
Si Lula ang kauna-unahang pangulo ng Brazil na bumisita sa Pilipinas sa loob ng 80 taon ng diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa.










