
Binuksan na ng Pilipinas at China ang “initial exchanges” sa oil and gas exploration, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Nagpulong ang dalawang bansa sa 24th Foreign Ministry Consultations at sa 11th Meeting of the Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea noong March 27 at 28 in Quanzhou City, Fujian Province, China.
Ayon sa DFA, sa panahon ng konsultasyon, pinagtibay ng bansa ang pangako nito na pamahalaan ang bilateral issues na may kaugnayan sa national interest ng bansa, habang isinusulong ang beneficial cooperation lalo na sa ekonomiya at people-to-people area.
Sinabi ng DFA na kinilala ng China at Pilipinas ang kasalukuyang sitwasyon sa Middle East, at tinalakay ang kahalagahan ng matatag na access sa enerhiya at fertilizers, maging ang potential cooperation sa green at renewable energy.
Idinagdag pa ng DFA na may mga progreso pulong ng dalawang bansa tungkol sa mga praktikal na hakbang na naaayon sa batas ng Pilipinas at palisiya para mapataas ang kumpiyansa sa maritime domain, kabilang ang coast guard at coast guard communication, ocean meteorology, at initial exchanges sa potential oil at gas cooperation.
Matatandaan na noong 2022, ipinatigil ng noo’y Pangulong Rodrigo Duterte ang oil at gas exploration sa mga lugar sa South China sea na inaangkin ng China.
Ito ay matapos na hindi kilalanin ng Beijing ang 2016 international tribunal decision na nagdedeklara na walang basehan ang pag-aangkin nito sa halos lahat ng South China Sea.
Ayon sa DFA, nagkaroon ng palitan ng mga pananaw sa pagitan ng China at Pilipinas sa sitwasyon sa South China Sea sa isinagawang konsultasyon.
Iginiit ng bansa sa nasabing pulong ang posisyon nito sa usapin at ipinahayag ang mga concerns sa mga insidente na nakakaapekto sa kaligtasan ng Filipino personnel at mga mangingisda, kabilang ang mga aksyon na nakagambala sa legal na mga aktibidad at naglagay ng panganib sa karagatan.
Sinabi ng DFA na iginiit ng bansa ang pagkakaroon ng diplomasya at komunikasyon para maayos ang hindi pagkakaunawaan sa karagatan, at itaguyod ang international law, partikular ang 1986 UNCLOS at ang 2016 South China Sea Arbitral Award.










