Kabilang pa rin ang Pilipinas sa 10 pinakamasamang bansa para sa mga manggagawa sa loob ng siyam na sunod-sunod na taon.
Ito ay ayon sa 2025 ITUC Global Rights Index.
Pasok din sa listahan bilang 10 worst countries para sa mga manggagawa ang mga bansang:
Bangladesh
Belarus
Ecuador
Egypt
Eswatini
Myanmar
Nigeria
Tunisia
Turkey
Base sa ulat na kabilang sa madalas labagin sa mga karapatan ng manggagawa ay ang karapatang mag-welga sa 87%, magkaroon ng collective bargaining sa 80%, bumuo ng sa 75%, at makamit ang hustisya sa 72%.
Kaugnay nito, sinabi Julius Cainglet ng Workers Rights Watch, siyam na taon nang nasa top 10 list ang Pilipinas sa nasabing pag-aaral,kaya kailangan na gumawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang matugunan ang mga binabanggit na mga paglabag at mapabuti ang kundisyon ng mga manggagawa
Kinuwestyon din ng Workers Rights Watch ang bisa ng EO 23 at Omnibus Guidelines, na umano’y kulang sa pananagutan at hindi sakop ang mga manggagawang nasa pampublikong serbisyo at informal.
Giit ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, may ginagawa ang gobyerno para lutasin ang mga lumang isyu at kinilala pa nga ang Pilipinas sa ILO Committee on Freedom of Association.