Inanunsyo ng Philippine Tennis Association na magho-host ang Pilipinas ng dalawang WTA events sa 2027.

Dalawang women’s professional tennis tournaments ang nakatakdang idaos sa bansa kabilang ang WTA 125 sa Enero 2027 at ang WTA 250 sa Nobyembre ng parehong taon.

Ito ang unang pagkakataon na magho-host ang Pilipinas ng main-tour WTA 250 event, na magbibigay rin sa Filipino fans ng pagkakataong masaksihan ang world-class tennis action sa sariling bansa.

Bukod dito, inaasahang magbibigay din ang mga torneo ng oportunidad para sa mga lokal na manlalaro na makaharap ang world-class women’s tennis players, gayundin ng mas maraming laban para sa mga Filipino tennis fans.

Samantala, inaasahang ilalabas sa mga susunod na anunsyo ang iba pang detalye, kabilang ang venues at eksaktong tournament schedules.

-- ADVERTISEMENT --