Hindi aalis ang Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Reaksion ito ni Philippine Navy Spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad sa panawagan ng China na tanggalin ang BRP Sierra Madre dahil sa nasisira umano ang marine environment sa lugar.
Binigyang diin ni Trinidad na hindi nila aabandonahin ang BRP Sierra Madre.
Sinabi niya na simbolo ng matatag na paninindigan ng bansa ang nasabing barko.
Ayon sa kanya, mandato ng Armed Forces of the Philippines na tiyakin ang integridad ng pambansang seguridad.
Iginiit niya na patuloy ang gagawing pagbabantay ng AFP sa soberenya at karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
Kasabay nito, nanawagan si Trinidad sa publiko na huwag manila sa mga hindi totoo na mga pahayag mula sa mga dayuhang bansa lalo na mula sa China.