Nasa kustodiya ng Estados Unidos si Ismael “El Mayo” Zambada, co-founder at umano’y kasalukuyang lider ng Mexican Sinaloa drug cartel.

Sinabi ni Attorney General Merrick Garland, nasa kustodiya din nila si Joaquin Guzman Lopez, anak ng co-founder na si Joaquin “El Chapo” Guzman at isa pang pinaniniwalaang lider ng cartel.

Ayon kay Garland, ang dalawa ay nahaharap sa maraming kaso dahil sa pamumuno sa criminal operations ng cartel, kabilang ang kanilang fentanyl manufacturing at trafficking networks.

Ang Sinaloa Cartel na kinuha ang pangalan sa estado ng Mexico kung saan nabuo ang grupo, ay isa sa pinakamakapangyarihan na drug-trafficking groups sa mundo, kilala sa trafficking ng fentanyl, methamphetamine at heroin sa United States.

Mula 1989 hanggang 2024, nagpupuslit si Zambada ng malalaking narcotics at kumikita siya ng maraming bilyong dulyar, batay sa sakdal sa kanya noong Pebrero.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa mga otoridad, ang nagbigay daan para sa pagkakahuli sa mga lider at mga miyembro ng cartel ay ang anak ni Zambada.

Nakipagtulungan umano si Vicente Zambada Niebla sa mga otoridad matapos siyang mahuli sa Mexico noong 2009 at na-extradite sa US at nahatulang makulong ng 15 taon noong 2019.

Isa rin siyang mataas na opisyal ng cartel nang siya ay maaresto.