Muling nagpakitang gilas ang Pinay tennis sensation na si Alex Eala matapos talunin ang world No. 10 na si Elina Svitolina sa quarterfinals ng DC Open.

Sa laban na ginanap sa Washington, DC, nanaig si Eala sa pamamagitan ng straight sets, 6-3, 6-4, upang makapasok sa semifinals ng prestihiyosong torneo.

Sa unang set, nagpalitan ng puntos ang dalawang manlalaro bago nakuha ni Eala ang 4-2 na abante at tuluyang isinara ang set.

Sa ikalawang set, mabilis na lumamang si Svitolina ng 2-0 ngunit nakabawi si Eala at nakapagtala ng tatlong sunod na panalo para makuha ang 4-3 na kalamangan.

Bagama’t nakapantay pa ang Ukrainian sa 4-all, nanatiling kalmado ang Filipina at tinapos ang laban sa huling dalawang game.

-- ADVERTISEMENT --

Ang panalo ay nagpapatunay pa lalo sa husay ni Eala matapos una niyang pabagsakin si Svitolina sa Berlin Open noong Hunyo.

Sa semifinals, makakaharap niya si dating world No. 1 Naomi Osaka, na tinalo si Elisabetta Cocciaretto.

Ang tagumpay na ito ay isa na namang mahalagang hakbang para sa batang Filipina sa kanyang pag-angat sa world tennis level.