Patuloy na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa northern Nepal na matinding tinamaan ng flash flood.

Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa New Delhi at Philippine Consulate General sa Kathmandu sa mga awtoridad ng Nepal para alamin kung may mga Pilipinong naapektuhan at magbigay ng kinakailangang tulong o rescue assistance.

Batay sa ulat ng Nepal Tourism Board, isang Pilipino ang iniulat na nawawala matapos ang flash flood noong Agosto 26, na patuloy namang bine-verify ng DFA kasama ang mga awtoridad ng Nepal.

Ayon sa Philippine Consulate, agad nang nakipag-ugnayan ang mga opisyal sa Nepali authorities para makumpirma ang pagkakakilanlan at kalagayan ng nawawalang Pinoy.

Karamihan sa mga Pilipino sa Nepal ay ligtas, habang patuloy namang nagsasagawa ng rescue at verification operations ang mga awtoridad.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, umabot na sa mahigit 300 katao ang kumpirmadong nasawi, habang mahigit 1,000 indibidwal naman ang patuloy na hinahanap.