Patay ang isang Hawaiin surfer na nakasama din sa ilang TV at movie roles kabilang ang “Pirates of the Caribbean” ni Johnny Depp matapos na atakehin ng pating.

Namatay si Tamayo Perry, 49 anyos pagkatapos ng shark attack sa Malaekahana Beach sa Oahu.

Ang role ni Perry sa ikaapat na installment ng sikat na “Pirates of the Caribbean: On Stranger Tides.” ay isang buccaneer o pirata.

Kasama din siya sa re-boot ng “Hawaii Five-O” at sa cult TV series “Lost,” maging sa 2002 surf movie na “Blue Crush.”

Bilang dagdag sa kanyang mga roles sa screen, si Perry ay isang lifeguard at professional surfer na kilala sa kanilang lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Honolulu acting Ocean Safety chief Kurt Lager na bilang isang lifeguard, mahal ng marami si Perry sa north shore ng Oahu.

Ayon naman Honolulu Mayor Rick Blangiardi na kalunos-lunos ang pagkamatay ni Perry.

Sinabi niya na isang legendary waterman at iginagalang si Perry dahil magaling din siyang miyembro ng ocean safety team.