Bahagyang bumawi ang halaga ng piso kontra dolyar matapos magsara sa ₱63.665 kada US dollar nitong Huwebes, mula sa ₱63.71 noong Miyerkules.

Iniugnay ang pag-angat ng piso sa bahagyang pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, kung saan bumaba ng 0.31 porsiyento ang West Texas Intermediate crude futures sa $83 kada bariles.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corporation Chief Economist Michael Ricafort, nakatulong din sa pag-angat ng piso ang pagbaba ng presyo ng langis na maaaring magpagaan sa gastusin sa pag-aangkat ng bansa at presyur sa inflation.

Samantala, nagtapos naman sa negatibong teritoryo ang Philippine Stock Exchange index matapos bumaba ng 33.93 puntos o 0.62 porsiyento sa 5,477.91.