Muling magsasagawa ng kilos protesta at noise barrage ang grupong Piston ngayong araw, April 7.

Ito ay upang igiit ang panawaan para sa tuluyang pagtanggal sa excise tax sa mga produktong petrolyo upang bumaba na ang presyuhan ng langis sa local market.

Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, isasagawa nito ito sa iba’t-ibang mga terminal at pamilihang bayan kasama ang mga tsuper at conductor ng iba’t-ibang public utility vehicle (PUV).

Nais ng grupo na ipaabot sa administrasyong Marcos ang paghihirap ng tarnsport sector dahil sa walang tigil na bigtime oil price hike na hindi kayang mapigilan ng pamahalaan.

Ipapanawagan din muli ng grupo ang tuluyang pagbasura sa Oil Deregulation Law na nagiging dahilan kaya’t hindi makontrol ng gobiyerno ang paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo.

-- ADVERTISEMENT --

Isasabay ng transport group ang naturang protesta sa bigtime oil price hike na nakatakdang ipatupad ngayong Martes.