Nagtapos sa ika-limawang puwesto ang Philippine National Police (PNP sa UAE SWAT Challenge 2026, umangat mula sa dating global standing na 26th-place finish nitong nakalipas na taon.

Batay sa final results, naitala ng PNP ang original time na 8 minutues at 2.538 seconds, na may 1 minute at 50 seconds sa penalties, at nakapagtala ng kabuuang oras na 9 minutes at 52.538 seconds, at nakakuha ng 342 total points.

Nakalaban ng PNP-Special Armed Forces team sa 109 elite tactical units mula sa iba’t ibang bansa sa limang araw na kompetisyon na isinagawa mula Feb. 7 hanggang 11, kung saan ipinamalas ang bilis, coordination at tactical execution.

Ang top three finishers ay ang Kazakhstan C na may 432 points, sinundan ng Kazakhstan A na may 410 points, at Royal Thai Police B na may 398 points.

Sinubok ang teams sa limang high-intensity events: Assault Event, Hostage Rescue Event, Officer Rescue Event, Tower Assault Event, and Obstacle Course Event, designed to simulate real-world law-enforcement at counterterrorism operations.

-- ADVERTISEMENT --