
Handa na ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na ipatupad ang warrant of arrest laban kay senator Rodante Marcoleta, sakaling maglabas ang Sandiganbayan.
Ayon sa PNP, may mga protocol na sila para sa posibleng pag-aresto sa senador.
Sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Allen Rae Co na kung nasa loob ng Senado si Marcoleta sa oras na mailabas ang warrant, makikipag-ugnayan muna ang mga awtoridad sa pamunuan ng Senado bago ito ipatupad.
Nauna nang naghain ng kasong plunder ang Office of the Ombudsman laban kay Marcoleta sa Sandiganbayan.
Kaugnay ito ng umano’y hindi pagdedeklara ng P75 million campaign contributions sa kanyang Statement of Campaign Expenditures noong 2025 senatorial elections.
Kapag naaresto, dadalhin si Marcoleta sa Camp Crame para sa booking procedures tulad ng fingerprinting, medical examination, at pagkuha ng mug shots.
Pagkatapos nito, ihaharap siya sa Sandiganbayan para sa ”Return of the Warrant.”










