Nagdeklara ng heightened alert sa buong bansa ang PNP dahil sa mga posibleng rally at mass action kaugnay ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasalukuyang nasa eroplano ang dating pangulo na magdadala sa kanya sa The Hague, Netherlands matapos silbihan ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court.

Ayon sa pahayag ni Vice President Sara Duterte, puwersahan umanong ililipad pa-The Hague ang kanyang ama.