
Nabawasan ang inaasahan malakihan sanang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito’y sa gitna ng mga panibagong tensyon sa Strait of Hormuz.
Sa pagtataya ng oil industry sources, matapos ang apat na araw na trading mula Lunes hanggang Huwebes, maglalaro na lang sa P8.00 hanggang P10.00 ang maaaring ibawas sa kada litro ng diesel.
Sa gasolina — tatlo ang tinitingnang scenario.
Maaaring may katiting na rollback; ‘no change’; ‘o kaya’y mayroong umento mula P0.40 hanggang P1.00.
Sa kerosene, may posibleng rollback mula P9.00 hanggang P11.00.
Bukas, araw ng Sabado, ilalabas ang final estimates matapos ang huling araw ng trading ngayong Biyernes.
Lunes naman ia-anunsyo ang official price adjustment, at magiging epektibo sa Martes.










