
Simula bukas, Abril 21, makakaranas ang mga motorista ng malaking bawas-presyo sa diesel na aabot sa halos P25 kada litro.
Ayon sa advisory ng Shell Pilipinas, bababa ang presyo ng diesel ng P24.94 kada litro.
Kapag ipinatupad ito sa Martes, inaasahang babagsak nang malaki ang presyo sa Metro Manila—umaabot na lamang sa humigit-kumulang P112 kada litro para sa regular diesel at P147 kada litro para sa premium diesel, mula sa dating nasa P170 kada litro.
Samantala, magkakaroon din ng bawas-presyo sa gasolina at kerosene.
Ayon sa Shell, bababa ang gasolina ng P3.41 kada litro at ang kerosene naman ay P2 kada litro.
-- ADVERTISEMENT --
Wala pang opisyal na anunsyo ang iba pang kumpanya ng langis kaugnay ng kanilang magiging price adjustments.










