
Tumaas ang presyo ng langis sa Asya ngayong araw na ito sa gitna ng kaguluhan sa Gitnang Silangan kasunod ng pag-atake ng Israel at Estados Unidos sa Iran.
Sa trading kaninang, tumaas ang Brent Crude sa $80 per barrel kumpara sa closing price na $72.87 nitong Biyernes.
Tumaas na ang presyo ng Brent, ang international benchmark sa langis nitong nakalipas na linggo bago pa man ang pag-atake sa Iran.
Dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan, nanganganib ang maritime transport sa pamamagitan ng Strait of Hormuz, kung saan nasa 20 percent ng langis sa mundo ang dumadaan sa nasabing lugar.
Ang pangunahing waterway ay hindi sarado, dahil may ilang Chinese at Iranian vessels ang nakadaan.
Kinumpirma ng pangunahing shipping companies na sinuspindi muna nila ang pagdaan ng kanilang fleets sa nasabing ruta.
Ayon sa isang analyst mula sa Rystad Energy, bagamat may ilang alternatibong ruta, bukod sa Syrait of Hormuz, ang posibleng impact nito ay pagkawala ng 8 million hanggang 10 million barrels per day ng crude oil supply.










