Bumaba nang mahigit limang porsyento ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado nitong Huwebes kasunod ng pagluwag ng pangamba ng mga mamumuhunan sa posibleng pagkaantala ng suplay mula sa Gitnang Silangan.

Naitala sa $96.06 kada bariles ang Brent North Sea crude matapos itong bumagsak ng 5.1%, habang bumaba naman sa $89.87 kada bariles ang West Texas Intermediate (WTI) ng Estados Unidos, katumbas ng 5.5% na pagbaba.

Ayon sa mga ulat, naging positibo ang reaksiyon ng merkado sa usapang pangkapayapaan at negosasyon kaugnay ng tensyon sa pagitan ng United States at Iran.

Naniniwala ang mga analyst na kung magtutuloy-tuloy ang diplomatic talks, maaaring mabawasan ang panganib sa global oil supply at makatulong sa pag-stabilize ng presyo ng langis sa world market.