
Inanunsyo ng Department of Trade and Industry na pinalawig hanggang Mayo 10 ang boluntaryong price freeze sa mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Trade Secretary Cristina Aldeguer-Roque, napagkasunduan ito kasama ang mga manufacturer at retailer upang mapanatiling matatag ang presyo ng basic necessities at prime commodities.
Orihinal na hanggang Abril 30 lamang ang price freeze, ngunit pinalawig ito matapos ang konsultasyon sa mga industriya.
Sinabi rin ng DTI na nakatutulong ang pagbaba ng presyo ng langis upang mapanatiling hindi tumataas ang presyo ng mga bilihin.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga negosyo upang mapanatili ang abot-kayang presyo ng mga pangunahing produkto.
-- ADVERTISEMENT --









