Pinasalamatan at pinarangalan ng Philippine National Police (PNP) ang anim na pulis na rumesponde sa hostage-taking incident sa Baliwag, Bulacan.

Sa pangunguna ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre II, ginawaran ng medalya ang mga pulis matapos nilang ipakita ang tapang, kahusayan, at disiplina sa pagtugon sa kritikal na sitwasyon.

Kabilang sa tumanggap ng Medalya ng Kadakilaan si PMSg Francis Damian, na matapang na nakakuha ng kutsilyo mula sa hostage taker, na naging susi upang mailigtas ang biktima.

Binigyang-diin ni Gen. Torre na ang tagumpay ng operasyon ay patunay ng malaking improvement ng PNP sa pagtugon sa mga ganitong insidente.

Aniya, sa kabila ng panganib ay napanatili ng mga rumespondeng pulis ang pagrespeto sa karapatang pantao dahil naisagawa ang operasyon nang walang nasaktan, namatay o malubhang nasugatan.

-- ADVERTISEMENT --