TUGUEGARAO CITY- Iniimbestigahan na ng PNP ang tunay na pangyayari sa pagkamatay ng isang pulis sa Tuguegarao City.

Ayon kay PLT Franklin Cafirma, bago ang insidente, uminom ng alak si PSG Ronnie Ferdinand Paguirigan, 34, nakatalaga sa Regional Administrative, Records and Management Unit ng PNP Region 2 sa kanilang bahay at nanggulo ito at hindi pa nakuntento ay lumabas papunta sa kanilang kapitbahay subalit siya ay natumba.

Dito kumuha siya ng paso at ibinato sa kanyang mga kapitbahay kung saan tinamaan sina Jonel Liggayu at Reymund Paguirigan.

Gumanti naman ang dalawa at dalawa pa nilang kasamahan hanggang sa matumba ang pulis.

-- ADVERTISEMENT --

Nang subukan ng pulis na tumayo ay muli siyang natumba kung saan ay tumama umano ang kanyang ulo sa concrete pavement.

Agad na dinala naman ng tatlo sa mga suspect sa ospital ang pulis subalit idineklara siyang dead on arrival.

Sinabi ni Cafirma na sasampahan ng kasong homicide ang apat.

Nabatid na mga kamag-anak din ng pulis ang mga suspect .