
Sinimulan na ng Quiapo Church ang maagang paghahanda para sa Nazareno 2027, partikular sa security, crowd control at iba pang logistical concerns.
Ayon kay Quiapo Church parish priest Fr. Ramon Jade Licuanan, kailangan nang paghandaan ang inaasahang pagdagsa ng milyun-milyong deboto, lalo na’t limitado ang mga kalsada sa Maynila.
Magsisimula rin ang pakikipagpulong ng simbahan sa Philippine National Police, militar at mga opisyal ng Malacañang upang maplantsa ang mga hakbang para sa seguridad at maayos na daloy ng Traslacion.
Hinihikayat din ang mga diyosesis sa iba’t ibang bahagi ng bansa na magsagawa ng lokal na pagdiriwang sa ilalim ng “Dalaw Nazareno” program upang makatulong sa pagkontrol ng dami ng mga deboto at mapalawak ang debosyon sa Itim na Nazareno.
Ang tema ng Nazareno 2027 ay “Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon.”
Samantala, umabot sa 31 oras ang Traslacion noong 2026, na itinuturing na pinakamahabang prusisyon ng Nazareno sa kasaysayan ng bansa.









