Nasa loob lamang umano ng compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City ang nagtatagong si Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang kinumpirma ni Davao police regional office director Brig. Gen. Nicolas Torre III sa isang ambush interview sa kanya sa Camp Crame.

Sinabi ni Torre na ito umano ay batay sa indicators at sa sinasabi ng mga informants.

Nahaharap si Quiboloy at limang iba pa sa kasong child abuse sa Davao City court.

Mayroon din siyang arrest warrants para sa human trafficking na inilabas ng korte sa Pasig City.

-- ADVERTISEMENT --

Mabibigyan naman ng P10 million reward ang sinomang makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Quibloy na magreresulta sa kanyang pagkakaaresto.