Kinumpirma ng Philippine Nuclear Research Institute o PNRI na positibo sa radiation contamination ang isang steel plant sa Tagoloan, Misamis Oriental na umano’y gumagawa ng substandard steel products.

Ayon sa PNRI, may ilang bahagi ng planta na nakitaan ng mataas na antas ng radioactivity, ngunit tiniyak nilang na-contain na ang radioactive materials sa lugar.

Nabatid din ng mga awtoridad na walang sapat na protective equipment ang mga Pilipinong manggagawa sa planta kahit delikado ang exposure sa radiation, habang ang mga Chinese workers umano ay may kumpletong protective gear.

Sinabi ni Benjamin Acorda na hindi dapat isailalim ang mga Pilipino sa mapanganib na working conditions.

Ayon pa sa PNRI, radioactive rin ang mga produktong bakal na nagawa gamit ang kontaminadong raw materials ng Philippine Sanjia Steel Corporation.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Melvin Matibag na posibleng malawak na naipamahagi ang mga naturang materyales sa merkado.

Iniugnay rin ng mga awtoridad ang planta kay Tony Yang, kapatid ni dating presidential adviser Michael Yang noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.