Nagdeklara ang National Grid Corporation of the Philippines ng Red Alert sa Visayas Grid ngayong 29 Mayo 2026, mula alas-6 hanggang alas-7 ng gabi, at Yellow Alert mula alas-3 hanggang alas-6 ng hapon, at muling alas-7 hanggang alas-10 ng gabi.

Mayroong 2,562 megawatts na available capacity kumpara sa peak demand na 2,542 megawatts.

Ayon sa NGCP, labing-isang planta ang nasa forced outage mula Mayo 2026, isa mula Marso 2026, tatlo mula 2025, dalawa mula 2024, dalawa mula 2023, at isa mula pa noong 2021.

Labinlimang planta naman ang tumatakbo sa derated capacities, dahilan upang umabot sa kabuuang 952.4 megawatts ang hindi magagamit sa grid.

Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng Red Alert ang hindi pagtakbo ng malalaking coal plants, bukod pa sa mataas na inaasahang demand sa sistema.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nananatiling nasa normal na operasyon ang Luzon at Mindanao grids.

Ang Red Alert ay inilalabas kapag kulang ang suplay ng kuryente upang matugunan ang pangangailangan ng mga konsumer at regulasyon ng transmission grid, samantalang ang Yellow Alert ay inilalabas kapag kulang ang operating margin para sa contingency requirement ng grid.