Nakatakdang maghain ng panukalang batas ang Akbayan party-list para ideklarang non-working holiday ang paggunita ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25.

Ayon kay Akbayan Partylist Representatives Perci Cendana, na ihahain nito ang panukalang batas sa araw ng Martes.

Dagdag pa nito na nakasaad doon sa panukalang batas na kahit sinong pangulo ang maupo ay mahalaga na ideklarang non-working holiday ang EDSA Revolution.

Magugunitang noong 2023 ay tinanggal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagiging public holiday ng EDSA people Power dahil ito umano ang panahon ng mapatalsik sa puwesto ang ama nitong si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.