Kinumpirma ni Ruffa Gutierrez ang kanyang relasyon kay actor-politician Herbert Bautista.

Sinabi ni Gutierrez na seryoso ang kanilang relasyon ni Bautista subalit mas pinipili nila na maging pribado ito.

Ayon kay Gutierrez na sa kanilang unang date, inanyayahan din ni Bautista ang kanyang dalawang anak na sina Venice at Lorin na sobra niyang hinangaan.

Ibinahagi naman ng anak ni Ruffa na si Venice na nagsimula na magkagustuhan ang dalawa nang magkasama sila sa pelikula na “The House Arrest of Us” noong 2020.

Aprubado naman ang dalawang anak ni Ruffa kay Bautista dahil sa mabait siya at masaya sila para sa kanilang ina sa kanyang relasyon ngayon.

-- ADVERTISEMENT --