Nagpakawala ang Russia ng pinakamalawak nitong aerial attack sa Ukraine mula nang magsimula ang digmaan, gamit ang daan-daang drone at missile sa loob ng dalawang araw, ayon sa Ukrainian officials.

Tinamaan ng mga pag-atake ang Kyiv at iba pang lungsod, kung saan sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na umabot sa 1,567 ang drones na inilunsad ng Russia mula Miyerkoles.

Ayon sa Ukraine, hindi bababa sa 15 sibilyan ang nasawi sa loob ng dalawang araw ng pambobomba.

Sinabi rin ng Ukrainian air force na karamihan sa mga missile at drone ay na-intercept, ngunit marami pa rin ang nakalusot at nagdulot ng pinsala sa mga residential area.

Giit ni Zelenskiy, ang naturang malawakang pag-atake ay patunay na hindi pa malapit matapos ang digmaan sa kabila ng mga usapang pangkapayapaan.

-- ADVERTISEMENT --