Maglalabas ng bagong memorandum si Ombudsman Boying Remulla para ma-access ng publiko ang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng mga government officials.

Binabaliktad nito ang polisiya ni dating Ombudsman Samuel Martires.

Sa press briefing, sinabi ni Remulla na nakatakda niyang i-release ang bagong memorandum hinggil dito sa susunod na Miyerkules, October 15.

Binigyang-diin pa nito na maaari ring ipakita ang mga SALN simula noong 2016.

Aniya, kasama rito sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Sara Duterte, at kahit si Pangulong Bongbong Marcos.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, tiniyak ng Ombudsman na magiging maingat ang pagre-release ng SALN.