
Inatasan ng Sandiganbayan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at mga opisyal ng PNP General Hospital na dalhin si Senador Rodante Marcoleta sa Philippine General Hospital (PGH) ngayong Martes para sumailalim sa medical examination.
Batay sa utos ng Third Division ng anti-graft court, nakatakdang isagawa ang pagsusuri alas-12:00 ng tanghali, habang inatasan din ang mga doktor na humarap sa korte alas-8:30 ng umaga sa Miyerkules upang iharap ang resulta ng isinagawang pagsusuri.
Matapos ang medical examination, ipinag-utos ng korte na ibalik si Marcoleta sa PNP General Hospital at iharap siyang muli sa Sandiganbayan sa itinakdang pagdinig.
Inatasan din ang mga awtoridad na magsumite ng compliance report sa loob ng tatlong araw matapos maisagawa ang kautusan.










