
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng isang high school teacher na si John Barry Tayam na humihiling na ideklarang legal at may bisa ang Senate session noong Hunyo 3, 2026 na nagbakante umano ng lahat ng upuan at nagluklok kay Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore.
Ayon sa Korte Suprema o Supreme Court of the Philippines, walang legal standing ang petisyon ni Tayam dahil nabigo itong maipakita na siya ay direktang naapektuhan o may agarang banta ng pinsala mula sa kontrobersyal na aksyon ng Senado.
Sa press briefer ng SC, malinaw na sinabi na hindi napatunayan ng petitioner ang kinakailangang interes upang kuwestiyunin ang naturang Senate proceedings, kaya’t hindi ito pinakinggan ng korte.










