Pinagkokomento na ng Supreme Court ang Kamara, Senado at House Secretary General kaugnay ng inihaing petisyon ni Vice President Sara Duterte sa Supreme Court.

Ito’y upang ipawalang bisa ang 4th impeachment complaint na inihain laban sa kaniya ng mga miyembro ng Kamara.

Sa inihaing petition for certiorari and prohibition ni VP Duterte noong February 18, binigyang diin nito na impeachment laban sa kanya ay lumabag sa patakarang nagbabawal ng impeachment sa loob ng isang taon.

Binigyan ng SC ang respondents ng hindi lalagpas ng sampung araw para sumagot.

Kabilang sa respondents ng petisyon sina House Speaker Martin Romualdez, House Secretary General Reginald Velasco at Senate President Francis Escudero.

-- ADVERTISEMENT --