
Pinatawan ng Supreme Court o SC ng indirect contempt ang isang bar review coach matapos magpakalat ng maling impormasyon na gagamit ng artificial intelligence o AI sa pag-check ng mga sagot sa 2023 Bar Examinations.
Sa 11-pahinang desisyon ng SC En Banc, iniutos na alisin ang pangalan nito sa listahan ng mga bar passer at pagmultahin ng ₱30,000.
Ayon sa SC, nagdulot ng panic at pangamba sa mga examinee ang mga post sa Facebook na nagsabing AI ang gagamitin sa pag-sort, pag-check at pag-correct ng mga sagot sa Bar Exams.
Binalaan din siya ng korte laban sa hindi awtorisadong pagsasagawa ng law practice.
Iginiit ng SC na bilang isang bar passer, dapat alam niya na isang committee of bar examiners ang nangangasiwa sa pagsusulit at hindi AI ang nagdedesisyon sa tamang sagot.
Ang desisyon ay inilabas noong Hulyo 2026.






