Guilty ang naging hatol ng korte sa isang security guard ng isang mall dahil sa paghagis niya sa isang tuta mula sa footbridge noong 2023 sa Quezon City, na naging dahilan ng pagkamatay ng hayop.

Bukod sa multa, may parusang pagkakakulong ang hatol ng korte.

Ayon sa Animal Kingdom Foundation (AKF), sinentensiyahan ang sekyu ng pagkakakulong ng mula isang taon, anim na buwan at isang araw, hanggang sa dalawang taon.

Inatasan din umano ang sekyu na magbayad sa may-ari ng tuta ng halagang P20,000 bilang danyos moral.

Ang naturang halaga ay magkakaroon ng 6% legal interest kada taon mula sa petsa ng pagiging pinal ng desisyon hanggang sa ganap na mabayaran.

-- ADVERTISEMENT --