
Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Senador Sherwin Gatchalian hinggil sa mga alegasyon ng leakage sa mga professional licensure exam na pinanganga¬siwaan ng Professional Regulation Commission (PRC) at sinabing ang mga ganitong insidente ay maaaring magbunga ng mga hindi kuwalipikadong propesyonal.
Ang mga pahayag ng senador ay kasunod ng ulat mula sa EDCOM 2 na nagsisiwalat na may mga item mula sa March 2023 Board Licensure Examination for Professional Teachers na nag-leak sa online.
Gayunpaman, nanindigan si Dr. Rosita Navarro, chairperson ng Career Progression and Specialization Program Credit Accumulation and Transfer System Committee for Professional Teachers, na ang anumang leakage ay hindi nanggagaling sa PRC.
Paliwanag niya, ang mga miyembro ng board ay karaniwang naka-quarantine habang binubuo ang mga questionnaire.










