Binuweltahan ni Senator Imee Marcos si Senate President Chiz Escudero matapos ang naging isyu nila hinggil sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa umano’y ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Tahasang tinawag ng senadora na ambisyoso umano ang Pangulo ng Senado.
Matatandaang nagkagirian sa pagitan ng dalawa matapos ang pagpapalaya kay Ambassador Markus Lacanilao alinsunod na direktiba ng Senate President matapos siyang ma-contempt, at taliwas naman sa utos ng Committee Chair na si Sen. Imee.
Sa inilabas na pahayag ni Escudero, iginiit niyang hindi umano dapat gamitin ni Marcos sa kaniyang sariling interes ang posisyon niya sa Senado.