Inihalal ng Senado si Sen. Mark Villar bilang bagong chairman ng makapangyarihang Senate Committee on Finance kapalit ni Sherwin Gatchalian.

Inihain ni Acting Majority Leader Joel Villanueva ang mosyon para italaga si Villar bilang pinuno ng komiteng humahawak sa pagtalakay ng panukalang pambansang badyet o General Appropriations Bill.

Wala namang tumutol sa plenaryo kaya agad naaprubahan ang mosyon.

Kasunod ito ng naging pagbabago sa liderato ng Senado noong nakaraang linggo kung saan nagkaroon din ng reshuffle sa ilang permanent committees ng kapulungan.