
Ginarantiya ni Senate President Win Gatchalian na ipagpapatuloy nila sa Senado at mas hihigpitan pa nila ang proseso para sa transparency sa pagtalakay ng National Budget.
Bilang dating chairman ng Senate Committee on Finance, matatandaang kabilang sa isinulong ng senador ay ang pagla-livestream sa budget hearings at pag-uupload ng mga dokumento sa Budget Transparency Portal.
Samantala, naniniwala naman ang senador na ang pagbabagong ito na kanyang sinimulan noong nakaraang taon ay magpapatuloy sa liderato ngayon ni Senador JV Ejercito.
Giit niya, baka mas mag-improve pa raw ang transparency measures na ito sa paglipas ng panahon.
-- ADVERTISEMENT --










