Nanawagan si Senador Robinhood “Robin” Padilla* sa pamahalaan na unahin ang pagpapabuti ng suplay ng kuryente at sistema ng transportasyon bago isulong ang planong rocket launch ng bansa sa 2027. Sa kanyang Kontra-SONA, iminungkahi rin niya ang pagbibigay ng mas malaking kapangyarihan sa mga local government unit (LGU) sa pagpapaunlad ng mga proyekto sa enerhiya, lalo na sa malalayong lugar na madalas makaranas ng brownout.

Hiniling din ni Padilla na mapabilis ang pag-apruba sa pagtatayo ng mga planta ng kuryente at mabigyang prayoridad ang pagpapaganda ng transportasyon sa Bicol. Aniya, nananatiling umaabot sa halos 12 oras ang biyahe mula Metro Manila patungong Bicol kaya dapat ding isulong ang mga proyektong gaya ng bullet train bago ang mga programa sa kalawakan.

Sa kabila nito, sinabi ng senador na suportado niya ang planong rocket launch ng pamahalaan sa 2027, gayundin ang panukalang Freedom of Information bill at ang panukalang pagbabawal sa paggamit ng social media ng mga menor de edad.