Pinagalitan at pinagsabihan ni Senator Raffy Tulfo ang anak na si Quezon City Representative Ralph Tulfo matapos na mahuli ng mga awtoridad na dumaan sa EDSA busway noong nakaraang linggo.

Ito’y matapos aminin ng senador na anak niya ang kongresistang nahuli ng mga awtoridad kamakailan na gumamit ng EDSA busway.

Ayon kay Tulfo, pinagalitan at pinangaralan niya ang kaniyang anak at inutusang humingi ito ng paumanhin sa lahat.

Sinabi pa ni Tulfo na wala siyang nakikitang problema sa nangyari lalo na kung hindi naman ito tumakas, nang-abuso at nagmura.

Dagdag pa ng senador, inamin ng kaniyang anak na nagmamadali siya at ang driver nito ang nagdesisyon na pumasok sa busway.

-- ADVERTISEMENT --